The Origin of (Pop) Species: The Kakaibabe

Marahil nakita ninyo na ang salitang "Kakaibabe" sa social media. Maraming kababaihan ang nagsasabi na "Kakaibabe" sila. Pero sa totoo lang, ano ba talaga ang Kakaibabe? Unang dumapo sa ating kamalayan ang salitang ito ng lumabas ang kantang "Kakaibabe" noong 2014.

Case 1.1 Ang kantang nagsimula ng lahat

Sinulat ito ng ninuno ng mga Pabebe Girl na si Donnalyn Bartolome at ni Thyro Alfaro, at kinanta rin ni binibining Bartolome. Naging hit ang kanta at sa ngayon ito  aymay 11.5 million views-- ang pinakamaraming views sa channel ng Viva Music Group.

Makakatulong ang kanta sa pag-intindi kung ano ang Kakaibabe kasi halos ang buong kanta ay isang mahabang listahan ng mga katangian ng isang Kakaibabe. Makikita ang kabuuan ng lyrics sa link na ito.

Ano ba ang kakaibabe?

Ang salitang "Kakaibabe" ay ang malikhaing pagsasama nang mga salitang "Kakaiba" at "Babae". Pero sa paanong paraan kakaiba ang Kakaibabe? Silipin natin ang titik ng kanta para maintindihan:

The Origin of (Pop) Species - The Kakaibabe Main Graphic
The Origin of (Pop) Species - The Kakaibabe Main Graphic

Ano ang pwede nating mahinuha sa teksto

  • KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil hindi siya parang mga  "babaeng tipikal" na:
    1. Maarte
    2. Pumupustura
    3. Maporma
    4. Nananakal at namumulis ng selpon
    5. Pahihirapan kang paakyatin ng ligaw
    6. Hindi okay ang isaw pangdate
  • KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil mahilig siya sa mga gawaing karaniwang naiisip na panlalake, kagaya ng:
    1. PagdoDotA
    2. Pagbabasketball
    3. Pagrarap
  • Walang sinabi ang kanta ukol sa mga katangian sa pag-iisip ng isang Kakaibabe. Pwedeng sabihin na KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil hindi niya kailangan ang lakas ng isip. Posible naman ito lalo na kung napupunta ang oras niya sa paglalaro ng DotA at Basketball.
  • KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil siya ay "mahinhin" ngunit "nakakaGV sa galing makisama"

saan ba makakahanap ng kakaibabe?

Pumunta sa Twitter at hanapin ang "#Kakaibabe" at makikita ang dami ng mga kababaihang nagsasabing Kakaibabe sila. Pero sabi nga ng kanta "Hindi siya yung babaeng tipikal". Kung ganoon, paano mo malalaman na Kakaibabe talaga ang isang babae?

MGA tandaan kung maghahanap ng kakaibabe

  • Kung pagbabasihan ang teksto, may boypren ang Kakaibabe. Lalo na dahil bentang-benta sa mga kalalakihan ang kaniyang kakayahan (nagdoDotA, nagbabasketball), at kaugalian (hindi humihingi ng tawad, 'di namumulis ng selpon)
  • Mahirap rin mahanap ang isang ligaw na Kakaibabe dahil tahimik lang ito at simple manamit. Makakatulong siguro kung magdala ng Isaw.
  • Huwag maghanap ng Kakaibabe sa silid-aklatan, Wala siyang interes mag-isip. Subukan mo sa Dotahan o sa Covered Court, baka andoon siya pagkatapos sa eskwela.
  • Kung makahanap man ng isang Kakaibabe, mag-ingat kung lalapitan, marunong ito mamektus

PUWEDE BANG MAG-EVOLVE AT MAGING KAKAIBABE ANG ISANG PABEBE GIRL?

Puwedeng mag-evolve ang Pabebe Girl at maging Kakaibabe. Pero wala pang naitatalang ganito. Lalo na halos kabaliktaran ng Pabebe Girl ang Kakaibabe. Ang Pabebe Girl nagpapakyut para makahanap ng atensiyon. Ang Kakaibabe, batay sa teksto, ay mahinhin at simple pumorma. Ibig sabihin hindi naghahanap ng atensiyon ang Kakaibabe, kundi atensiyon ang lumalapit sa isang Kakaibabe. Mas lalo kayo magtaka ngayon sa mga babaeng naghahashtag ng Kakaibabe sa Twitter dahil pwede silang mga Pabebe Girl in Kakaibabe's clothing lang.

MGA PALATANDAAN PARA MATUKOY KUNG ANG ISANG BABAE AY PABEBE GIRL O KAKAIBABE:

  • Ang Kakaibabe may boypren na kasama. Ang Pabebe Girl, nagmumukmok dahil wala siyang boypren
  • Ang Kakaibabe nagsasabi ng "push sa mid". Ang Pabebe Girl nagsasabi ng "push mo yan!"
  • Si Jordan sa Kakaibabe, basketball player. Si Jordan sa Pabebe Girl, brand ng sapatos.
  • Ang Kakaibabe pwedeng nagkaroon nang kaso ng Hepa A sa kaka-isaw. Ang Pabebe Girl pwedeng magka-diabetes sa dami ng mamon.

mayroon bang kakaiboy?

Sa ngayon wala pang naitatalang Kakaiboy. Ang pinakamalapit na paglalarawan ay batay sa kantang ito:

Case 2.1: Puro pisikal lang na katangian ang nilarawan kaya hindi maituturing na parang kantang "Kakaibabe"